Isa sa mga suspek sa planong pag-atake sa New York City, napag-alamang Pilipinong doktor sa Marawi City; Pilipinas – tinawag ni Salic na “breeding ground for terrorist” – US Justice Department

New York City – Napag-alaman na isa palang doktor sa marawi City ang isa sa mga suspek sa planong pambobomba sana sa Times Square, Subways at ilang concert venue sa New York City.

Ito ay sa kasagsagan din ng Ramadan noong isang taon.

Nito lamang April 2017 nang naaresto ang suspek na si Russel Salic, isang orthopedic surgeon sa Amai Palpak Medical Center sa Marawi City.


Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief-Of-Staff Gen. Eduardo Año, si Salic ay pinaniniwalaang nagpopondo ng mga terorista sa iba’t ibang bansa.

Una nang nahuli sa New Jersey ang isa pa sa mga suspek na si El Bahnasaw habang sina Talha Haroon at Salic ay naaresto ng FBI agents sa kanilang hideout sa magkaibang bansa.

Ayon sa US Justice Department, tinawag raw na “breeding ground for terrorists” ni Salic ang Pilipinas.

Wala pang pahayag ang Malacañang hinggil dito.

Facebook Comments