Posibleng isailalim sa Witness Protection Program si Yolanda Camelon.
Kasunod ito ng pagtestigo niya sa Senado hinggil sa sinasabing “GCTA for sale” sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Camelon, handa siya sa anumang magiging resulta ng kanyang pag-amin sa pagdinig sa Senado.
Ipapaubaya naman ni Sen. Richard Gordon sa Department of Justice (DOJ) ang desisyon kung dapat na ilagay sa WPP si Camelon.
Samantala, dalawang testigo pa ang inaasahang haharap sa pagdinig ng Senado bukas.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, kabilang sa mga bagong witness ay isang dating opisyal ng BuCor at isang taga-loob ng Bilibid.
Facebook Comments