Manila, Philippines – Napatawad na ng isa sa mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bus driver at kundoktor na nakipagsuntukan sa kanila sa Edsa.
Matatandaang nagviral sa social media ang video ng suntukan ng bus driver na si Eddie Magangcong Jr. sa enforcer na si Roberto Supan matapos masita dahil sa pagpapababa ng mga pasahero sa hindi tamang babaan at sakayan.
Ayon kay Supan, pinilit naman niyang kausapin ang bus driver pero hindi ito nakikinig sa kanya.
Iginiit din ng enforcer, hindi na kayang manakit o lumaban.
Pero nanindigan si MMDA General Manager Danilo Lim – kailangang makasuhan ang driver at kunduktor para madisiplina ang mga ito.
Dagdag pa ni Lim, gagawa na sila ng paraan para maproteksyunan ang kanilang mga tauhan sa mga abusadong motorista.
Kasabay nito, pinadadalo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sangkot na driver at kundoktor sa gagawin nilang pagdinig sa Hulyo 19.
Samantala, pinagpapaliwanag na rin ng LTFRB ang operator na Metro Manila bus kung bakit hindi dapat makansela ang kanilang certificate of public convenience dahil sa inasal ng kanilang driver at kundoktor.