Isa sa miyembro ng Aegis Juris Fraternity na lumutang sa MPD, nilinaw na hindi siya nagtatago sa pulisya

Manila, Philippines – Nilinaw ni Atty. Aden Siguia abogado ni Jason Adolfo Robiños na lumutang kagabi na hindi nagtago sa mga otoridad ang kanyang kliyente matapos magpalabas ng look out order ang Bureau of Immigration.

Ayon kay Atty. Siguia, katunayan umano ay dumalo sila sa Senate hearing kaya walang katotohanan na nagtatago sa pulisya ang kanyang kliyente.

Paliwanag naman ni Robiños, naka-confined umano siya sa Fe Del Mundo hospital sa Quezon City dahil sa sakit na diabetes noong nangyari ang initiation rites kay Atio kayat malabo umano na kasama siya sa hazing.


Aminado naman si Robiños na opisyal siya ng Aegis Juris Fraternity bilang isang treasurer ng naturang kapatiran.

Giit ni Robiños, kaya siya lumutang sa MPD Homicide Division upang linisin ang kanyang pangalan sa pagkakasangkot sa pagkamatay ni Castillo.

Facebook Comments