Isa sa Naarestong Lider ng NPA, Muling Sinilbihan ng Warrant of Arrest!

250

Cauayan City, Isabela- Muling sinilbihan ng alias warrant of arrest si Reynaldo Busania alyas Rey na isang lider ng Northern Front ng New People’s Army (NPA) habang ito’y nasa kustodiya ng PNP Diffun, Quirino kahapon.

Sa pangalawang isinilbing alias warrant of arrest na pirmado ni Hukom Andrew Barcena, ng RTC Second Judicial Region, Branch 17 ng City of Ilagan ay nahaharap pa sa kasong murder with multiple frustrated murder sa taong 2016 si Busania.


Unang sinilbihan si Busania ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Eufren Changale, ng RTC Branch 38 Maddela-Nagtipunan sa kasong R.A 6539 o Carnapping, illegal detention, robbery at adultery.

Si Busania na alyas Rey, 36-anyos, team leader ng Northern Front at pinuno ng Communication Regional Organization KR-CV ay residente ng Barangay Magsaysay, Diffun, Quirino.

Samantala, ang pagka-aresto ni Busania kasama ang kanyang live-in partner na si Sharon Malubay, alyas ‘Kyla’, medical officer ng nasabing samahan na tubong Brgy. Poblacion Norte, Maddela, Quirino ay mariing kinokondena ng Danggayan Cagayan Valley na grupo ng mga Magsasaka.

Ang dalawang matataas na ppoisyal ng NPA ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.



Facebook Comments