ISA SA PINAKALUMANG SIMBAHAN SA BATANES, NAGTAMO NG PINSALA DAHIL SA SUPER TYPHOON LEON

Cauayan City – Hindi nakaligtas sa pananalasa ng bagyong “Leon” ang Santa Maria De Mayan Church, isa sa pinakalumang simbahan sa bayan ng Itbayat, Batanes.

Dahil sa matinding pagbugso ng hanging naranasan sa lugar dulot ng Super Typhoon Leon, nagtamo ng pinsala ang simbahan kung saan nawasak ang ilang bahagi sa harapan nito.

Naranasan ang hagupit ng bagyo sa lalawigan ng Batanes kahapon ng umaga, ika-31 ng Oktubre kung saan itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang lalawigan.


Matatandaang una ng nagtamo ng pinsala ang nabanggit na simbahan noong tinamaan ng 5.4 magnitude na lindol ang lugar taong 2019.

Samantala, sa pinakahuling ulat bahagya ng humina ang bagyong at isa na lamang itong typhoon category mula sa super typhoon.

Facebook Comments