Isa sa pitong persons of interest sa Bulacan massacre, inilaglag ang iba pa nitong kasamahan na gumawa sa krimen

170

Bulacan – Inihayag ngayon ng hepe ng San Jose Del Monte Bulacan PNP na si Supt. Fitz Macariola, na umamin na sa kanila ang isa sa pitong persons of interest na hawak nila ngayon.

Ayon kay Macariola, base umano sa salaysay ng hindi pa pinangalanang suspek, sinabi nito na may kasama siyang tatlong iba pa ng gawin ang pagpatay noong madaling araw ng Martes.

Sabi ni Macariola, nasa impluwensya umano ng illegal drugs ang mga suspek ng ginawa ang pagpatay sa mga biktima.


Paliwanag ni Macariola, kapag nasa impluwensiya na ng ilegal na droga ang isang tao, wala na umano itong matinong pag-iisip ang isang bangag sa ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments