
Naaresto na ng Pasay City Police ang isa sa pitong suspek na sinasabing nagnakaw ng bag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia sa isang restaurant sa Pasay City kahapon ng tanghali.
Ayon sa pulisya, ang nahuli ay ang babaeng lider ng salisi gang kung saan natunton ito sa bahagi ng Bacoor, Cavite.
Nabawi rin mula sa suspek ang bag ni Chairman Garcia na naglalaman ng cellphone, susi, mga ID pero hindi na nabawi ang laman nitong pera.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad sa anim na iba pang mga suspek kung saan ang tatlo sa mga ito ay tukoy na ng pulisya.
Una nang sinabi ni Pasay City Police Chief Police Colonel Joselito De Sesto na ang apat sa mga suspek ay pabalik-balik na sa kulungan dahil sa kaparehong modus.
Ang mga suspek ay nasa edad 32 hanggang 40 years old.
nag-o-operate aniya ang grupo sa Metro Manila at mga karatig lalawigan









