Isa sa Proud Young Innovators ng Pangasinan Nagbahagi ng Kaalaman sa Programang iFM Tambayan

Nakapanayam ng programang iFM Tamabayan ang isa sa mga DOST Scholar at miyembro ng proyektong Nocturnal Robot ng isang eskwelahan sa Lungsod ng Dagupan na si Patrick Ora. Malugud nitong ibinahagi ang kaalaman at interest sa robotics. Hinikayat ni Patrick ang mga taga pakinig ng programa lalong lalo na ang mga estudyanteng tulad nya na maging masigasig sa pag-aaral at paunlarin ang mga interes na sa palagay nilang makakatulong sa kanilang developments.

Noong nakaraang June 29, 2017 naparangalan ng DOST-PCIEERD ang pitong Team kabilang ang eskwelahan nila Patrick. Sa 97 project researchers na isinumite sa DOST tanging pito lamang ang napili ng ahensya para pondohan at i-develop. Kinilala ang mga napili sa paggawad ng “Young Innovators Award”. Ito ay isang programa na kung saan hinihikayat ang mga estudyante at mga researchers na pangunahan ang mga proyektong may kabuluhan at kahalagahan sa mga tao at komunidad.

Ayon kay Patrick ang kanilang proyektong Nocturnal Robot ay may layuning makatulong sa mga kinauukulan partikular na ang ating mga kasundaluhan. Layunin ng nasabing proyekto nila ang maka-develop ng isang imbensyon na magpapaunlad ng kakayahan ng AFP sa pag-spy sa mga kaaway ng estado upang maiwasan ang pagkasawi gamit ang makabagong device.


Ang Colegio de Dagupan School of Engeneering Innovators ay kinabibilangan ni Jade Ace Ventigan, Patrick Ora at Orpheus Petrola 5th Year ECE Students.

[image: Inline image 1]

Facebook Comments