Isa sa supply vessels ng Pilipinas, binomba ng water cannon ng barko ng China Coast Guard

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na binomba ng water canon ng Chinese Coast Guard ang Unaizah May 1 na isa sa dalawang supply ship na ginamit ngayong araw sa Rotation and Reprovisioning (RoRe) mission para sa mga sundalong nakaposte sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad sa ngayon, hinihintay pa nila ang ulat kung ano ang pinsalang tinamo ng barko.

Sa kabila nito, sinabi ni Trinidad na sa kabila ng mga isinagawang dangerous maneuvers at blocking ng Chinese Coast Guard vessels at Chinese Maritime Militia sa mga barko ng Pilipinas ay naging matagumpay ang naturang RoRe mission.


Samantala, na-monitor din ng AFP na mayroong 43 China Coast Guard vessels at China Maritime Militia vessels sa West Philippine Sea kung saan apat na China Coast Guard ships ang nasa Bajo de Masinloc, 17 fishing vessels habang sa Ayungin Shoal ay mayroong dalawang CCG, apat na militia vessels at isang Chinese Coast Guard ship at 15 fishing vessels ang nasa Pag-asa Island.

Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na magtutuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng RoRe mission sa siyam na detachment units ng pamahalaan kasama na ang BRP Sierra Madre.

Facebook Comments