Isa sa Dalawang Suspek na Gumahasa ng Dalaga sa Ramon Isabela at Pumatay sa Kapatid nito, May Patong na sa Ulo!

Ramon, Isabela – Limampung libong piso ang ipinatong sa ulo na gantimpala sa sinumang makakapagturo sa isa sa dalawang   suspek na gumahasa ng dalaga at pumatay sa kapatid nito kamakailan sa Ramon, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Lord Wilson Adorio, nagpalabas na ang pamunuan nito ng pagkakakilanlan at mukha ng isa sa dalawang suspek na kinilalang si Rolly Amayad Iguid, residente ng Bantay, Paracelis, Mountain Province.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Adorio na kasalukuyan parin na inaalam ng pamunuan nito ang pagkakakilanlan ng kasamahan ni Iguid at aniya’y patuloy ang hot pursuit operation sa mga suspek.


Matatandaan na namatay ang binatang si Arwin Ian Costales Magtanong dahil sa tama ng bala sa leeg at dibdib mula sa caliber 9mm nang tangkain nitong saklolohan ang kapatid na kasalukuyan ginagahasa ng mga kriminal na pumasok sa kanilang computer shop kung saan ay tinangay pa ang mga cellphones ng mga biktima at dalawang kostomer na nadatnan din ng mga suspek.

Facebook Comments