Isa sa Suspek na Pumatay kay SB Member Alvarez ng Rizal Cagayan, Naaresto Na!

Cauayan, City, Isabela- Nasa kamay na ng kapulisan ang isa sa mga suspek na pumatay kay SB Member Alfredo Alvarez ng Rizal Cagayan makaraang maaresto kagabi sa Brgy. Sampaguita, Solana, Cagayan.

Sa ibinahaging pahayag ni ni PRO2 Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino sa RMN Cauayan, nahuli ang suspek na kinilalang si Jessie Labang sa pamamagitan ng pinagsanib pwersa ng Regional Intelligence Division, Provincial Intelligence, Branch, Cagayan PPO, Solana Police Station at Tuguegarao City Police Station.

Positibong kinilala naman ng anak ni SB Alvarez ang mga suspek na sina Eloy Baloran ng Gagabutan, Rizal, Cagayan at Jessie Labang ng Sampaguita, Solana, Cagayan base sa CCTV footage na ipinakita ng Tuguegarao Police Station.


Ang kaso laban sa mga suspek ay inilapit na sa Presecutor’s Office laban kina Vice Mayor Joel Ruma at Eloy Baloran samantalang naisampa na ang kasong pagpatay laban kay Jessie Labang.

Nasa pag-iingat na ng Tuguegarao Police Station si Labang para sa karagdagang imbestigasyon.

Matatandaan na binaril ng riding in tandem si SB Alvares pasado alas sais ng gabi nitong araw ng Linggo habang pauwi sa kaniyang bahay na lulan ng kaniyang kotse sa kahabaan ng City Homes Road sa San Gabriel, Tugeugarao City.

Facebook Comments