Isa sa suspek sa Joshua Abiad case, arestado ng QCPD

Naaresto na ng Quezon City Police District (QCPD) ang ikalawang suspek sa pamamaril sa photojournalist na si Joshua Abiad at sa pamilya nito.

Sa PNP press corps shootfest, inanunsyo ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre ang pagkakaaresto ni Jomari Dela Cruz Campillo.

Naaresto ang suspek sa Pangasinan Solid North Transit sa EDSA, Cubao, Quezon City kahapon.


Ayon kay Torre, si Campillo ang isa mga driver ng motorsiklo sa crime scene na tumakas matapos ang ambush.

Nakuha sa kanya ang caliber 9mm na baril.

Dahil sa pagkakaaresto sa pangalawang suspek, may 5 personalidad pa na tinutugis ang QCPD.

Facebook Comments