
Hawak na ng mga awtoridad ang ikalawang suspek mula sa pito na nagnakaw ng bag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa isang restaurant sa Pasay City noong Martes ng tanghali.
Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Robson 41-year old na nahuli Huwebes ng hapon.
Una nang naaresto ang isang babaeng suspek na siyang lider ng grupo ng “salisi gang ” sa Las Piñas noong Miyerkules.
Narekober ang bag ni Chairman Garcia na naglalaman ng mga ID, Wallet, susi at cellphone pero wala na ang pera.
Samantala, nagsampa na ng kaso si COMELEC Chair Garcia sa babaeng suspek kahapon para umano maturuan ito ng leksyon.
Patuloy pa ang manhunt operation ng Philippine National Police (PNP) sa iba pang kasabwat at natitiranng suspek.
Facebook Comments









