Isa sa suspek sa pagpatay sa municipal councilor ng Sta. Catalina, Negros Oriental, naaresto na ng PNP

Nahuli na ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Negros Oriental ang isa sa suspek sa pagpatay sa municipal councilor ng Sta. Catalina Negros Oriental na si Rude Anthony Melodia.

Sa ulat ng CIDG, ang naaresto ay kinilalang si Maximo Eligan Acabal o alyas “Long-Long,” 53-anyos na may kasong attempted murder dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Councilor Melodia.

Ikinasa ng mga pulis ang operasyon matapos makatanggap ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 63, Bayawan City, Negros Oriental.


Ang naarestong si Acabal ay No. 1 Municipal Level Most Wanted Person (MWP) in Sta. Catalina, Negros Oriental.

January 2021 nang pagbabarilin si Melodia gamit ang .45 kalibre ng baril ng lalaking sakay ng motorsiklo habang siya ay naglilinis ng kanyang sasakyan.

Isinugod pa ito sa Bayawan District Hospital pero ideneklarang dead on arrival.

Facebook Comments