
Sumuko na ang driver ng motorsiklong sinasakyan ng suspek na namaril sa retiradong pulis na security escort ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ipinresinta ng alkalde ngayong hapon ang suspek na si Liegem Bulalacao Young o kilala rin bilang “Biboy” na sumuko matapos makipag-ugnayan sa opisyal ng barangay.
Sabi ni Moreno, nagbigay na rin ito ng mahahalagang impormasyon para matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.
Inamin ng sumukong suspek na siya ang nagmaneho ng motorsiklo noong barilin si Capistrano ng angkas na si Albert Magdaraog.
Nagpapatuloy ngayon ang pagtugis dito at sa iba pang kasamahan na posible umanong parte ng robbery-holdup syndicate na nag-o-operate sa Kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.
Binaril ang 56 taong gulang na si Capistrano noong March 15 sa Barangay 134 sa Balut, Tondo kung saan idineklarang dead on arrival sa ospital.










