
Naaresto na ng Pasay City Police Station ang isa sa dalawang suspek sa panloloob at panghahalay sa mga masahista ng massage parlor sa Pasay City nitong Biyernes.
Sa isinagawang manhunt operation, natunton ng Pasay Police ang pinagtataguan ng suspek na si alyas “Jared” sa Legazpi City, Albay.
Ihaharap ni Pasay City Police Chief PCol. Joselito de Sesto ang suspek kay Pasay City Mayor Emi Rubiano mamayang hapon pagkatapos ng isasagawang medical at booking process.
Patuloy pa ring tinutugis ang isa pa sa suspek sa naturang insidente.
Facebook Comments









