
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang OIC ng Planning and Design Division ng DPWH Region 4B na si Engr. Montrexic Tamayo.
Si Tamayo ay isa sa 3 sa 16 na mga akusado sa flood control anomaly na nakalabas ng bansa.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, si Tamayo ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kung saan siya ay sakay ng Emirates Airlines flight UAE332 mula sa Dubai na lumapag kahapon, Nobyembre 25.
Kaugnay nito, agad dinala ang nasabing akusado tanggapan ng CIDG sa Kampo Crame Quezon City para sa booking procedure, dokumentasyon at tamang disposisyon para sa paghahanda sa pormal na pagbalik sa nag-isyung korte.
Ngayong umaga, dinala sa Sandiganbayan si Tamayo para sa pagsasauli ng Warrant of Arrest na inilabas nito para sa kasong Graft and Corruption at Malversation.









