Monday, February 23, 2026

Isa sa tatlong nawawala dahil sa pagguho ng landfill sa Rodriguez, Rizal, nahanap na

Isa sa tatlong napaulat na nawawala ang na-retrieve na dahil sa pagguho ng landfill sa Rizal Provincial Sanitary Landfills sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong Biyernes, February 20.

Ito ang kinumpirma ni Rodriguez, Rizal Mayor Ret. General Ronnie Evangelista sa isinagawang flag raising ceremony ngayong umaga.

Ayon kay Evangelista, nasa pangangalaga na ng pamilya ang natagpuang katawan.

Dagdag pa niya, patuloy ang paghahanap sa dalawa pang nawawalang indibidwal.

Sa kabila aniya ng mahirap na pagre-retrieve ng isang katawan sa gabundok ng basura kumpara sa landslide.

Samantala, pinabulaanan naman ng alkalde ang napapabalitang nasa 50 indibidwal ang nadamay sa nangyaring insidente dahil aniya ito ay walang katotohanan.

Samantala, patuloy natin kinukuha ang panig ng International Solid Waste Integrated Management Specialists, Inc. kaugnay sa update sa nangyayaring search and retrieval operations.

Facebook Comments