ISA SA TATLONG SUSPEK SA PANGHOHOLDAP SA SAN CARLOS CITY, NAARESTO NA

Nasa kustodiya na ng San Carlos City Police Station ang isa sa tatlong suspek sa panghoholdap sa kahabaan ng Brgy. Malacañang.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Deputy COP PMAJ Ramsey Ganaban, sakay umano ng traysikel ang mga biktima nang biglang parahin ng motorsiklo na gamit ng mga suspek at saka binantaan.
Sa takot ng mga biktima sa dalang baril ng mga suspek, isinuko ng mga ito ang dala-dalang bag na naglalaman ng selpon, passbooks, papeles at P12,500 na cash.
Naaresto kalaunan ng pulisya ang isang kasamahan ng mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Patuloy ang pinaigting na imbestigasyon upang matunton at maaresto ang iba pang kasamahan ng suspek at sasampahan ng kasong Robbery. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments