[image: IFM 919 Logo (1).jpg]
Nakapagtala nang dalawang sunog ang Bureau of Fire Protection dito sa Gensan sa loob lamang ng 24 oras.
Unang naitala bandang alas-2 ng hapon Myerkules (December 26, 2018) ang pagkasunog sa isang pamamahay at boarding house sa may Zone 5 Purok Christian Village, Barangay Calumpang kung saan madaling tinupok ng apoy ang pamamahay ni Juan Villaber.
Sugatan sa pangyayari ang anak nito na si Mary Mae Cario 30 anyos na nagtamo ng 1st degree burn at kaagad namang nabigyan ng first aide sa mga rescuers.
Halos 150 thousand pesos naman ang naitalang damyos sa nasabing sunog.
Habang hating gabi ng Huwebes naman tinupok ng apoy ang pamamahay ni Irish Faldas 38 anyos sa Zone 7 Barangay Bula.
Nag-umpisa ang sunog sa kwarto ng kanyang anak na gawa sa light materials.
Nagtala din naman ito ng halos limampung-libong piso na damyos ang nasabing insidente.
Patuloy namang inaalam ng arson investigator ang pinagmulan ng sunog.