Isabela 4th District Rep. Sheena Tan, Nanindigan laban sa Katotohanan

Cauayan City, Isabela-Iginiit ni Isabela 4th District Representative Atty. Alyssa Sheena Tan na sa loob ng dalawang taon sa pulitika ay malaking bahagi ng kanyang karera ang magpapatunay ng tapat na serbisyo publiko.

Ito ay makaraang idawit ni Pangulong Duterte ang mambabatas sa umano’y katiwalian sa ilang construction project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa kanyang facebook post, sinabi ng mambabatas na walang katotohanan ang alegasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na nagmamay-ari ito ng construction companies na sinasabing iginawad sa ilang proyekto sa kanyang distrito.

Tahasan nitong sinabi na kailanman ay wala siyang pagmamay-aring construction company at wala rin aniya itong kahit anong natatanggap mula sa mga kumpanya.


Ayon sa lady solon, maaari naman itong beripikahin ng PACC sa paraan ng pag-iimbestiga at validation sa mga concerned agencies na kanila namang tiyak na magagawa.

Kwento pa ng mambabatas na simula ng kanyang panunungkulan ay isang pribilehiyong itinuturing ang araw-araw na kanyang pagbibigay ng serbisyo.

Inihayag din niya na handa siyang magbigay ng anumang impormasyon sa PACC para makatulong sa gagawin pang imbestigasyon at mananaig din aniya ang katotohanan sa likod ng akusasyon laban sa kanya.

Facebook Comments