Isabela at Cagayan, Binisita ni Sen. Marcos; Usapin sa Magat Dam, Tinalakay

Cauayan City, Isabela- Binisita ni Senator Imee Marcos ang mga pamilyang labis na naapektuhan ng nagdaang kalamidad para magbigay ng ayuda sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Sa kanyang pagbisita, binigyang diin ng senadora na kinakailangan ng maisaayos ang ilang malalaking Dam sa bansa gaya ng Magat Dam dahilan kung kaya’t naranasan ang malawakang pagbaha sa probinsya ng Cagayan.

Ayon kay Senator Marcos, hindi kinakailangan ang kaliwa’t kanang sisihan sa nangyaring malakas na buhos ng tubig sa Cagayan dahil sa sinasabing nagmula ang malaking porsyento ng tubig ay sa pagpapakawala ng pamunuan ng dam.


Aniya, ang totoo ay hindi talaga isinaayos sa mga nakalipas na panahon ang water infrastructure dahil nasa 38 taon na ang tanda ng magat dam ng simulant itong maisaayos.

Giit pa ng senador, ilan sa maaaring rekomendasyon nito ang maitatag na talaga ang Department of Water Management na siyang tututok sa mga ganitong sitwasyon.

Sinabi pa ni Marcos na wala na ngang kapakinabangan ang Cagayan sa mga sakahan sa tuwing nagpapakawala ng tubig ang Dam ay higit pa ang epekto nito sa lalawigan.

Nakikita ring solusyon ni Marcos ang pagtatayo ng ‘sponge cities’ na ginawa ng china na siyang mapag-iimbakan ng tubig para maiwasan ang malawakang pagbaha tuwing makakaranas ng matinding kalamidad.

Nananawagan naman si Marcos sa taong posibleng mamuno sakaling ganap ng maitatag ang Department of Water Management na kung maaari ay tutukan agad ang pagsasaayos sa mga Dam sa bansa.

Facebook Comments