Isa rin sa dahilan ng pagtaas ng kaso ay sa dami ng populasyon ngunit iginiit ng ahensya na nasa mild at moderate lang ang kaso ng malnutrisyon sa nasabing mga lalawigan.
Ayon kay Maria Gisela M. Lonzaga, Regional Program Coordinator ng NNC R02, ang pagtaas ng kaso ay bunsod ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.
Malaki aniya ang naging epekto ng pandemya dahil nagkaroon ng restrictions at limitado ang naging galaw ng mga bata kung saan isa rin sa nakadagdag ang pag-order online ng mga pagkain ng mga bata.
Sa pagtaya ng NNC Region 2, bahagyang tumaas ang kaso ng obesity, overweight at malnourished sa mga bata sa lambak Cagayan sa nakalipas na tatlong taon mula 2019 hanggang 2021.
Sa kabila nito, nagkaroon naman umano ng minimal na nutritional effect ang pandemya sa kabuuang populasyon ng rehiyon dos.
Malaki naman ang naging papel ng Local Government Units at Sangguniang Kabataan na hindi lamang canned goods at noodles ang ipinamahaging pagkain noong pandemya, sa halip ay namigay rin ng mga poultry products, isda, gulay at prutas na nakatulong upang mapanatili ang magandang kalusugan ng mga mamamayan.
Hindi rin umano nagkulang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil kaagad na ibinibigay ang kaukulang tulong sa mga pamilya pagkatapos ng kanilang quarantine.
Kasabay ng pagbubukas sa selebrasyon ng Nutrition Month ngayong Hulyo na may temang “New Normal na Nutrisyon Sama-samang Gawan ng Solusyon”, naglatag ng ilang aktibidad ang NNC gaya ng Slogan Contest at Short Film Contest, Poster Contest, Digital photography at Tiktok challenge maging ang Search for barangay nutrition scholar heroes.