Inilagay ng pamahalaan ang lalawigan ng Isabela at siyudad ng Iloilo sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang January 31.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na ilagay ang walong probinsya at siyudad sa General Community Quarantine (GCQ).
Kabilang na rito ang National Capital Region (NCR), Batangas, Lanao del Sur, at Davao del Norte, at Santiago City, Tacloban City, Iligan City at Davao City.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng MGCQ.
Matatandaang inilagay ang Isabela sa MGCQ, pero itinaas sa GCQ status mula December 15 hanggang 31 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Samantala, pinuri ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang COVID-19 response ng pamahalaan na ‘mas mahusay’ kumpara sa iba pang bansa.
Ang pagsisimula ng bagong taon ay nagbibigay ng bagong pag-asa, bagong simula para sa muling pagbuhay ng ekonomiya at pagbalik sa normal na pamumuhay.