ISABELA GOVERNOR RODITO T. ALBANO III, NAGHAIN NA NG KANYANG KANDIDATURA

Cauayan City – Pormal ng naghain ng kanyang Certificate of Candidacy para sa Governor position si Incumbent Isabela Governor Rodito T. Albano III kahapon, ikatlong araw ng Oktubre, sa Commission on Elections Isabela.

Nagpakita naman ng kanyang suporta sa Gobernador si Isabela Vice Governor Faustino “Bojie” Dy, sa pamamagitan ng personal na pagsama nito kay Governor Albano sa pagsusumite nito ng kanyang COC.

Matatandaang bago nailuklok bilang Gobernador sa lalawigan ng Isabela noong taong 2019, una itong nagsilbi bilang Bise Gobernador si Governor Albano noong June 2010 hanggang June 2013.


Samantala, maliban kay Governor Albano naghain na rin ng COC House Deputy Speaker Antonio “Tonypet” Albano bilang kinatawan ng Isabela 1st District.

Facebook Comments