Isabela, Inaasahang Mag-GCQ sa Susunod na Linggo

Cauayan City, Isabela- Inaasahang itataas sa susunod na linggo ang quarantine status ng lalawigan ng Isabela sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa kasalukuyang Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ito ay ayon na rin sa rekomendasyon ng health cluster ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF) dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 na siya namang dahilan ng pagkapuno ng mga hospital.

Sa kasalukuyan nasa 861 na ang positibong kaso ng COVID-19 sa Isabela. Pitumpu’t walo dito ang pinakabagong naidagdag at nakapagtala na rin ng 138 kabuuang kaso ng mga namamatay.


Samantala, pinag-aaralan naman ng Regional Inter-Agency Task Force ang pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ng buong Cagayan Valley sa loob ng 15-araw maliban sa Probinsya ng Batanes.

Facebook Comments