Isabela Inter-Agency Task Force, Maghihigpit Pa rin Kahit COVID-19 Free na!

Cauayan City, Isabela- Bagamat COVID-19 Free ang buong Lambak ng Cagayan, ay maghihigpit pa rin ang Provincial Inter-Agency Task Force sa pagbabantay sa mga checkpoints upang mapanatili ang zero case sa Rehiyon.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, Information Officer ng Isabela Provincial government, lalong pinaigting ang mga protocols sa checkpoint sa papasok sa rehiyon partikular sa bayan ng Cordon, Isabela.

Ito’y para matiyak na walang mailulusot na mga unauthorized person mula sa ibang Lalawigan o sa Metro Manila.


Sa ngayon ay mayroong 33 na suspect sa COVID-19 ang Isabela habang wala namang naitala na probable case.

Matatandaang nakapagtala ng 8 na nagpositibo sa COVID 19 ang Isabela na kalauna’y gumaling rin sa sakit matapos na magnegatibo sa kanilang pangalawang swab test.

Facebook Comments