Kinumpirma ni Dr. Marichu Manlongat ng Integrated Provincial Health Office ng Isabela na ang lahat ng bayan sa lalawigan ay nananatili sa low-risk classification dahil sa mababang Average Daily Attack Rate (ADAR) at health care utilization rate patungkol sa COVID-19.
Kasabay ito ng ginawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) fourth quarter regular business meeting sa kapitolyo.
Samantala, ayon naman kay DepEd representative Dr. Jesus Antonio ng SDO-Isabela, nasa 98.99% ng public at private schools kasama ang State University at Colleges ay nagsasagawa na ng face-to-face classes simula pa noong unang linggo ng Nobyembre, habang ang natitirang 1.01% na mga paaralan ay nasa blended modality pa rin.
Nagpasalamat naman si Dr. Antonio sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela para sa health kits ng mga mag-aaral bilang suporta sa Provincial School Board (PSB).
Facebook Comments