Isabela, Muling Nakapagtala ng 27 Bagong Kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang bilang confirmed positive sa Lalawigan ng Isabela matapos makapagtala ng dalawampu’t pitong (27) bagong positibo.

Sa bilang na 27, pito (7) ang naitala mula sa City of Ilagan at bayan ng Cabatuan, anim (6) sa Lungsod ng Cauayan, dalawa (2) sa bayan ng Roxas, at tig-isa sa mga bayan ng Luna, San Manuel, Aurora, Alicia at Delfin Albano.

Kasabay ng pagkakatala ng mga bagong positibo, nadagdagan rin ang bilang ng mga nakarekober kung saan labing-isa (11) ang naiulat na gumaling sa COVID-19.


Sa 233 na active cases, 5 ay returning Overseas Filipinos (ROFs), 20 ang Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), 43 na Healthworkers, 3 na Pulis at 162 na maituturing na Local transmission at Community transmission.

Sa ngayon ay umabot sa 233 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Facebook Comments