Isabela, Muling Nakapagtala ng 28 Bagong Kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawampu’t walo (28) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong umaga, Marso 1, 2021, mula sa 28 new COVID-19 cases, siyam (9) rito ay naitala sa bayan ng Roxas; lima (5) sa bayan ng Cabagan; tig-tatlo (3) sa bayan ng Angadanan at Lungsod ng Santiago; dalawa (2) sa bayan ng Gamu; at tig-isa (1) sa mga bayan ng Luna, Quezon, Reina Mercedes at San Isidro.

Bukod dito, mayroon namang 20 na bagong gumaling sa COVID-19 at ngayo’y nasa 4,784 na ang total recovered cases.


Sa kasalukuyan nasa 472 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya mula sa total confirmed cases na 5,360.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, pinakamarami pa rin ang Local Transmission na 421; tatlumpu’t isa (31) na health workers; sampung (10) pulis at sampung (10) Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments