*Cauayan City, Isabela- *Apatnapu (40) na bagong bilang ng nagpositibo sa COVID-19 ang naitala ng probinsya ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, mula sa 40 new COVID-19 cases, ang labing pito (17) ay naitala sa Lungsod ng Santiago; apat (4) sa Angadanan; tatlo (3) sa Cabatuan, City of Ilagan, Naguilian at San Mariano; dalawa (2) sa bayan ng Sto Tomas; isa (1) sa Alicia, Echague, Ramon, Tumauini at Cauayan City.
Mayroon namang limampu (50) na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala sa kabuuang bilang na 4,018 mula sa 4,660 na total confirmed cases.
Nasa 561 naman ang aktibong kaso ngayon ng COVID-19 sa probinsya.
Mula sa 561 na active cases, 484 ang Local Transmission; dalawampu’t walo (28) na pulis; tatlumpu’t (35) health workers; labing tatlo (13) na Locally Stranded Individuals (LSIs); at isa (1) na Returning Overseas Filipino (ROFs).