ISABELA, MULING PINARANGALAN BILANG HIGHLY FUNCTIONAL SA LCAT-VAWC ASSESSMENT

Cauayan City – Muling kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela matapos makamit ang Highly Functional rating para sa taong 2024 sa isinagawang assessment ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).

Ito ay bilang pagkilala sa maayos at epektibong pagpapatupad ng mga programa kontra human trafficking at karahasan laban sa kababaihan at mga bata.

Pormal na binati ng DILG-Isabela ang pamahalaang panlalawigan dahil sa ikalawang sunod na taon nitong pagkakamit ng perpektong marka para sa nasabing pagsusuri.

Ayon sa DILG-Isabela, ang pagkilalang ito ay patunay ng epektibong koordinasyon at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensyang bumubuo sa PCAT-VAWC ng lalawigan.

Ang LCAT-VAWC ay binuo upang tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Sa muling pagkamit ng Isabela ng pinakamataas na rating, naging inspirasyon ito sa iba pang mga lokal na pamahalaan na paigtingin din ang kanilang adbokasiya para sa karapatang pantao.

Facebook Comments