Isabela, Nakapagtala na Lamang ng Isang Positibong Kaso

Cauayan City Isabela- Nakapagtala na lamang ang Lalawigan ng Isabela ng isang (1) panibagong kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Office, ngayong araw ng Lunes, Disyembre 20, 2021, isang kaso lang ng tinamaan ng COVID-19 ang naitala ng probinsya sa loob ng isang araw.

Sa kabila ng naitalang bagong kaso, bumaba na lamang sa 74 ang natitirang bilang ng aktibong kaso sa probinsya habang nadagdagan naman sa pito (7) ang bilang ng mga gumaling.


Patuloy namang walang naiuulat na namatay sa COVID-19 ang Isabela kung kaya’t nananatili pa rin sa 2,063 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths.

Tumaas din sa 58,574 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 60,711 ang total cumulative cases ng COVID-19 sa probinsya.

Samantala, mayroon ng 15 na mga bayan sa lalawigan ng Isabela ang COVID-19 free tulad ng Alicia, Benito Soliven, Cabagan, Dinapigue, Echague, Gamu, Naguilian, Palanan, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Pablo, Sta. Maria, Sto.Tomas, at Tumauini.

Facebook Comments