Isabela, Nakapagtala ng 155 na mga Bagong Gumaling sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 155 na mga bagong gumaling mula sa sakit na COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ngayong araw ng Miyerkules, September 1, 2021, mayroong 155 na newly recovered cases ang naitala ng probinsya subalit nakapagtala pa rin ang Isabela ng 150 na panibagong positibong kaso.

Mayroon din dalawa (2) na naidagdag sa bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa probinsya.


Sa kasalukuyan, umaabot na sa 33,138 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela, 29,843 rito ang gumaling habang nasa 2,295 pa ang hindi pa fully recovered o total active cases ng Isabela.

Facebook Comments