Isabela, Nakapagtala ng 42 Bagong Positibong Kaso ng COVID-19

Cauayan City, Isabela- Apatnapu’t dalawa (42) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naiatala sa Lalawigan ng Isabela ngayong araw, Pebrero 1, 2021.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 42 new COVID-19 cases, dalawampu’t tatlo (23) rito ay naitala sa Santiago City; lima (5) sa bayan ng Quirino at Reina Mercedes; tatlo (3) sa bayan ng Naguilian; at tig-isa sa bayan ng San Mariano, Benito Soliven, San Isidro, Echague, Cabagan, at Ramon.

Nakapagtala naman ng dalawampu’t apat (24) na newly recovered cases ang Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang na 3,711.


Tumaas naman sa 567 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela at nasa 72 naman ang total ng nasawi na may COVID-19.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, dalawa (2) rito ay Returning Overseas Filipino (ROFs); labing apat (14) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); apatnapu’t siyam (49) na Health Workers; tatlumpu’t pito (37) na pulis; 465 na Local Transmission.

Facebook Comments