Isabela, Nakapagtala ng 67 na Gumaling sa COVID-19 Ngayong Araw

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ngayong araw, Enero 26, 2021 ng animnapu’t pitong (67) nakarekober sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang ng gumaling na 3,534.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, bagamat nakapagtala ng 67 na newly recovered cases, nakapag-ulat naman ang probinsya ng labing siyam (19) na bagong kaso.

Mula sa bagong positibong kaso, anim (6) rito ay naitala sa bayan ng Cordon; tig-dalawa (2) sa bayan ng Luna, Reina Mercedes, San Mariano, at Naguilian; habang tig-isang (1) kaso naman ang naitala sa bayan ng Aurora, Gamu at City of Ilagan.


Sa kasalukuyan, mayroong 423 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela mula sa kabuuang bilang na 4,025.

Sa bilang ng aktibong kaso, 355 ay dahil sa Local Transmission; dalawampu’t siyam (29) rito ay mga pulis; anim (6) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), dalawang (2) health workers at isang Returning Overseas Filipino (ROF).

Facebook Comments