Cauayan City, Isabela- Animnapu’t walo (68) na panibagong positibong kaso sa COVID-19 ang naitala ng Lalawigan ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00am ngayong araw, December 8, 2020, animnapu’t walo ang naiulat na new COVID-19 cases sa probinsya na nagdadala sa kabuuang bilang ng aktibong kaso na 313.
Mula sa 68 na panibagong kaso, pinakamarami sa Santiagi City na may 35, sumunod ang bayan ng Gamu na may 3 new cases, tig-tatlo (3) sa bayan ng Echague, City of Ilagan, Luna at bayan ng Quirino, tig-dalawa (2) sa bayan ng Ramon at Santiago City at tig-isa (1) naman sa bayan ng Cabatuan, San Isidro, San Mateo, at San Mariano.
Bagamat may naitalang panabigong nagpositibo, gumaling naman sa virus ang anim (6) na COVID-19 patients.
Mula sa 313 na total active cases, apat (4) ang Returning Overseas Filipino (ROFs), apat (4) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), 34 na Health Worker, apat (4) na pulis at pinakamarami ang Local Transmission na may 268.