Isabela, Nanguna sa may Mataas na kaso ng Panggagahasa sa Cagayan Valley

56

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng Panggagahasa ang lalawigan ng Isabela mula Enero hanggang Disyembre 2020 batay sa datos ng Police Regional Office 2.

Mula sa kabuuang 389 Rape cases, nakapagtala ng 163 na bilang ang Isabela; sinundan ng Nueva Vizcaya na may 104 habang 88 naman sa Cagayan, dalawampu’t isa ang naitala ng Quirino, Batanes na mayroon lamang isang kaso at Santiago City na labindalawa.

Sa 801 rape cases mula 2019-2020,pitumput pitong (77%) porsyento ng mga naging biktima ay nasa 1 hanggang 17 taong gulang kung saan 95% (763) ng mga suspek ay nasa edad labing walong (18) taong gulang pataas.


Mula naman sa kabuuang 868 na biktima ng VAWC mula 2019-2020, 96% ng mga naging biktima ay edad 18 pataas habang 99.5% ng mga suspek ay 18-anyos pataas.

Patuloy naman na paalala ng mga awtoridad sa publiko na maiiging bantayan ang mga anak lalo pa’t malaking porsyento ng mga biktima ay menor de edad.

Facebook Comments