Isabela, Patuloy na Nakakapagtala ng New COVID-19 Cases

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin na nakakapagtala ng bagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, December 20, 2020, dalawampu’t lima (25) ang naitalang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naiulat ngayong araw na nagdadala sa kabuuang bilang ng aktibong kaso na 493.

Mula sa 25 new COVID-19 cases sa Isabela, labing isa (11) ang naitala sa Santiago City, lima (5) sa City of Ilagan, tatlo (3) sa bayan ng San Pablo, dalawa (2) sa bayan ng Luna, dalawa (2) sa bayan ng Ramon, at tig-isa (1) sa Naguilian at Cabagan.


Kasabay ng mga bagong kaso sa Isabela, gumaling naman sa nasabing sakit ang anim (6) na COVID-19 patients.

Sa bilang na 493 active cases sa probinsya, labing isa (11) ang Returning Overseas Filipino (ROFs), labing siyam (19) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), apatnapu’t anim (46) na Healthworker, tatlong (3) pulis at 414 na Local transmission.

Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang ginagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan para sa mga taong nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo.

Facebook Comments