Ilagan City, Isabela – Nagsagawa ng emergency meeting ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) kahapon ng umaga, Disyembre 15, 2016.
Ang pulong na isinagawa sa governor’s office upang tugunan ang posibleng epekto ng Tropical Storm Urduja na bagamat ang tahak ay Visayas ay tinitingnan ang posibleng epekto nito sa Hilagang Luzon.
At ito ay para mapag-usapan ang isa pang mas malawak at posibleng mas malakas na sama ng panahon na namataan sa Marianas Islands.
Lalo pa at ang Isabela ay nakakaranas ng pag-ulan sa kasalukuyan dulot ng Northeast Monsoon.
Ito rin ang kinuhang pagkakataon ng PDRRMC upang ipaalala sa mga kasapi nito at mga mamamayan na kailangang alerto pa rin dahil sa mga panahon ng kapaskuhan at bagong taon na sunod sunod ang kasayahan at selebrasyon ay bumababa ang lebel ng pagka-alerto ng mamamayan.
Sa pananalita ni Provincial Information Officer Jessie James Geronimo ay sinabi niyang kailangan ang pagtutulungan lalo na sa hanay ng media para laging handa ang mamamayan.
Samantala, sa kaparehong pulong ay ipinaabot ni Provincial Administrator Atty Noel Mora ang pasasalamat at pagpupugay sa mga kasapi ng PDRRMC sa pagkopo kamakailan ng Isabela ng Gawad Kalasag Award sa ikatlong magkakasunod na taon.
Binanggit din ang katatapos na Regional Awarding Ceremony ng DILG Region 2 kung saan ay nanguna ang Isabela mula sa mga hanay ng mga probinsiya sa Cagayan Valley sa Project Prepare Ready 24/7 ngayong taon sa ginawang pagkilala sa Santiago City, Isabela noong gabi ng Disyembre 14, 2017.
Patunay lamang umano ito ng pagiging pinakamaayos na PDRRMC ng Isabela sa buong Pilipinas.
Ang Isabela PDRRMC ay pinamumunuan ni PDRRMO Edmund Guzman ay kinabibilangan ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno at mga ilang mga sektor sa lalawigan na tinaguriang stake holders sa disaster preparedness.