Isabela Police Provincial Office, Top 1 SACLEO Performer sa Region 2

16

Cauayan City, Isabela- Nanguna pa rin bilang Performer Regionwide sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa buong Cagayan Valley.

Ito ay matapos manguna sa 12 magkakasunod na linggo mula Enero 1 hanggang Marso 25, 2021.


Nanatili pa rin sa pagiging number 1 ang Isabela PPO mula sa limang (5) probinsya sa buong rehiyon dos matapos ang matagumpay na kampanya laban sa Illegal Drugs, Arrest of Top and other Most Wanted Persons, Illegal Logging, Illegal Gambling, kampanya sa Loose Firearms at iba pang special laws.

Pinuri naman ni Provincial Director PCol. James Cipriano, pinuno ng PNP Isabela ang lahat ng Police units at mga personnel na nakapag-ambag at nagpakita ng hindi matatawarang serbisyo sa tagumpay ng SACLEO.

Aniya, sama-samang gawin ang pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa bawat komunidad.

Facebook Comments