Isabela PPO, Hakot-Award sa Police Service Anniversary ng PRO2!

120

*Cauayan City, Isabela- *Nag-uwi ng anim na parangal ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pamumuno ni Provincial Director P/Col Mariano Rodriguez sa ginanap na ika-118th Police Service Anniversary ng PRO2 kahapon sa Caggay, Tuguegarao City.

Nakuha ng Isabela PPO ang Best Police Provincial Office award dahil na rin sa mga accomplishments at patuloy na pagpapatupad sa mas pinaigting na kampanya kontra illegal na droga, anti-kriminalidad at anti-terorismo.


Pinarangalan rin bilang Best Women and Children Protection Desk ang Isabela PPO WCPD sa pamumuno ni P/Capt Frances L Littaua, ang Best Component City ay iginawad pa rin sa Ilagan City Police Station bilang national awardee maging ang Echague Police Station bilang Best Municipal Police Station, Class B sa bansa habang ang Best Municipal Police Station, Class C ay nakuha ng Cabatuan Police Station.

Pinarangalan naman bilang Best Senior Police Commissioned Officer for Operations at Top 3 sa national level sa nasabi rin kategorya si P/Col Mariano Rodriguez.

Ang mga parangal ay iginawad ni P/LtGen Fernando Mendez Jr., ang Deputy Chief PNP for Administration bilang pangunahing pandangal sa nasabing selebrasyon.

Hinimok naman nito ang kapulisan na ipagpatuloy at pagtibayin ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang peace and order sa buong lambak ng Cagayan.

Facebook Comments