Isabela Provincial Task Force on COVID-19, Nagsagawa ng Pulong sa Bagong Guidelines ng Alert Level System

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng pagpupulong ngayong araw ng Martes, Nobyembre 16, 2021 ang Isabela Provincial Task Force on COVID-19 sa Kapitolyo kaugnay sa bagong panuntunan at protocols ng Alert Level System na ipatutupad sa buong Lalawigan.

Ang Lalawigan ng Isabela ay kabilang sa mailalagay sa Alert Level 2 bukas, Nobyembre 17, 2021 na magtatagal hanggang Nobyembre 30,2021 batay na rin sa inilabas na IATF Resolution No. 148-F, series of 2021 na may petsang November 13, 2021 ganun din ang probinsya ng Cagayan.

Habang ang mga probinsya naman ng Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya ay isasailalim sa Alert Level 3.


Kaugnay nito, papayagan na ang Intrazonal at Interzonal movement subalit ang mga LGU’s ay maaaring magpatupad ng mga resonableng paghihigpit na hindi labag sa alituntunin ng IATF maliban na lamang sa mga lugar na naka-granular lockdown.

Isa sa binigyang pansin sa ginawang pagpupulong ang mga restrictions para sa mga batang papasok sa mga mall at amusement center kung saan ang mga bakunadong nasa edad 12 hanggang 18 ay maaari nang pumasok kahit walang nakakatandang kasama.

Samantala, mayroon na lamang 991 na aktibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela na nagdadala sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso sa 60,391.

Facebook Comments