Cauayan City, Isabela- Sumasailalim pa rin sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang lalawigan ng Isabela na magtatatagal hanggang Nobyembre 30, 2020.
Bagamat nasa ilalim pa ng MGCQ ang lalawigan, maaari pa ring magdeklara ang bawat lokal na pamahalaan, Regional IATF at National Taskforce ng Localized Enhanced Community Quarantine sa mga kritikal na lugar o makakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng MGCQ ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang minimum health standards tulad ng safe physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield, at madalas na paghuhugas ng kamay lalo na sa mga high risk areas gaya ng mga ospital, health center, wet market, supermarket at mga opisina.
Pagpapatupad ng mga localized Community quarantine, at pagtatalaga ng mga karagdagang quarantine facilities, sa mga priority areas na mayroong mga Community Transmission kasama na ang mga pribado, at pampublikong establisyimento, na may pahintulot ng Regional IATF.
Kabilang din sa mga ipinatutupad ang paghahanda ng mga facility-based isolation para sa mga returning citizens, suspect at probable cases.
Pagpapaigting sa kapasidad at kakayahan ng local health system lalo na sa community at critikal care, maging ang mga mechanical ventilators, at ICU, isolation at ward-bed capacity para sa mga kaso ng COVID-19.
Dagdag dito, babantayan na rin ang pagsusumite ng kumpleto at wastong datos sa pamamagitan ng COVID-Kaya at DOHDataCollect.
Samantala, ang Isabela ay mayroon ng 1, 395 na total cases ng COVID-19 ngunit nasa 187 ang aktibo, 1,194 ang recoveries at 14 ang naitalang nasawi.