Isabela, “Simply Phenomenal” Ayon kay Lorenzana

Ilagan City, Isabela – Nakuha ng lalawigan ng Isabela ang tatlong sunod na taon na parangal na Gawad Kalasag ng Office of Civil Defense at Nationa Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ito ay taunang parangal sa mga lalawigan at mga Local Government Units sa pagpapatakbo ng disaster response at disaster preparedness.

Ito ay matapos na gapiin ng lalawigan sa naturang kompetisyon sa taong ito ang Mt Province at Dinagat Islands.


Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Isabela PIO Jessie James Geronimo ay kanyang ibinahagi na may iba pang parangal ang nauwi ng lalawigan sa 19th Gawad Kalasag National Awards na ginanap sa Crowne Plaza Manila Galleria kahapon ng Disyembre 11, 2017.

Ito ay ang Government Emergency Management System – Advance ng Rescue 922 ng Cauayan City, Best City Disaster Risk Reduction Management Council ng Santiago City, Best Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee na nakuha ng Alinguigan 2nd, Ilagan City, Isabela at Best High School in Implementation of DRRM na nakuha ng Raniag National High School sa Ramon, Isabela.

Ibinahagi ni Isabela PIO Jessie James Geronimo ang talumpati ni Kalihin Delfin Lorenzana ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na kanyang binansagan na “simply fantastic” ang Isabela sa pagiging run-away winner nito sa Gawad Kalasag 2017.

Ito na ang pagatlong pagkakataon ng Isabela na matanggap ang naturang award dahil nakopo din niya ito noong 2015 at 2016.

Dahil dito ay Hall of Famer na ang lalawigan sa parangal na ito sa taunang pagkilala ng OCD at NDRRMC na parehong nasa ilalim ng DND.



Facebook Comments