Isabela, Sumabay sa NSED

Ilagan, Isabela – Lumahok ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pambansang sabayang earthquake drill na ginanap noong Pebrero 15, 2018.

Ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ay sinagawa sa oras na alas dos ng hapon sa naturang petsa sa capitol grounds sa Ilagan, Isabela.

Naging katuwang dito ng Isabela Provincial Government ang Isabela Bureau of Fire Protection at Philippine Red Cross.


Sa panayam ng RMN Cauayan News kay Provincial Information Officer Jessie James Geronimo, ang naturang aktibidad ay nagtapos ng 2:45 ng hapon na sinundan ng pagtaya at ebalwasyon.

Kapansin pansin sa naturang earthquake drill na nakasuot ang mga kalahok na tinatawayang 1000 na mga empleyado ng kapitolyo ng hard hat.

Ayon kay Ginoong Geronimo, ang hard hat ay kabahagi na ng pang araw araw na gamit pang upisina na nakapatong lamang sa mga mesa ng mga empleyado mula sa antas ng gobernador hanggang sa mga contractual employees.

Binili ito ng pamahalaang panlalawigan dalawang taon na ang nakakalipas bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa mga sakuna.

Ang earthquake drill ng kapitolyo at ng mga empleyado nito ay bilang pakikibahagi ng 1st Quarter National Sumultaenous Earthquake Drill (NSED) na isinusulung ng Office of the Civil Defense(OCD) para sa paghahanda ng sambayanan sa sakuna ng lindol.

Facebook Comments