*Cauayan City, Isabela- *Posibleng makuha muli ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang parangal na Seal of Good Local Governance o SGLG na iginagawad ng ahensya ng Department of Interior and Local Government o DILG bilang top performing Local Government Unit (LGU) sa rehiyon matapos sumailalim sa validation at pagsusuri sa Balay, Capitol Grounds, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Sa pangunguna ni Isabela Gov.Rodito Albano III at Vice Gov. Faustino Dy III ay mainit na sinalubong ang national validating team sa pangunguna ni LGOO VI Andrew E.Gonzalvo.
Iprinisinta ng mga department heads kasama ang focal person ng provincial government ng Isabela ang mga programa at proyekto sa validation team sa pamamagitan ng pag-interbyu sa kanila at pagsusuri sa mga dukomento.
Ininspeksyon din ang ilang pasilidad na nasa capitol ground gaya ng Gawad Kalasag Hall of Fame Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC kabilang ang Provincial Evavuation Center.
Ang SGLG ng DILG ay bilang flagship program na iginagawad ang parangal sa LGU’s sa mga magandang pamamalakad at pagbibigay serbisyo publiko gaya ng tamang paggastos o Financial Administration; gaano kahanda sa panahon ng kalamidad o Disaster Preparedness; Social Protection; usaping pangkapayapaan o Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; pangangalaga sa kalikasan o Environmental Protection; at Tourism Culture and the Arts.
Ayon kay Gov. Albano ay sinisiguro niya sa kanyang administrasyon na mas lalong pag-ibayuhin pa ang pagseserbisyo para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Isabela bilang mandato ng nasabing ahensya.
Ang provincial government ng Isabela ay SGLG hall of famer dahil sa sunod-sunod na pagtanggap sa naturang parangal simula noong taong 2015, 2016, 2017 at 2018.
Habang ngayong 2019 naman ay target muli na masungkit ang parangal sa liderato ni Gov.Albano bilang Top performing LGU’s sa rehiyon.