CAUAYAN CITY – Nagbigay suporta ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Isabela sa 4,310 marginalized workers sa pamamagitan ng tulong pangkabuhayan at TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).
Nasa P8-milyon ang ipinamahagi sa Santiago City, habang nasa P2-milyon piso naman ang iginawad sa Angadanan, higit P1-milyon sa Benito Soliven, at P800 libo naman sa Roxas, Alicia, San Mateo, Burgos, at Cabatuan
Watch more balita here: 𝟴𝟬 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗙𝗨𝗚𝗔𝗢, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘
Bukod dito, namahagi rin ang ahensya ng milyon-milyong livelihood assistance sa iba’t ibang bayan sa Isabela.
Hinikayat naman ni DOLE Isabela Chief Evelyn U. Yango ang mga LGU na patuloy na suportahan ang mga programa na makakatulong sa mga marginalized workers.