Isabelle Daza, hindi pinalampas ang netizen na nam-bash sa kanyang anak

Hindi pinalampas ng actress-host na si Isabelle Daza ang isang netizen na kinutya ang kanyang 2-year old son na si Balthazar Gabriel Semblat.

Sa Instagram story, ibinahagi ng aktres ang screenshot ng kanilang usapan ng netizen kung saan tinawag nitong ’gay’ at isang ‘kahihiyan’ ang kanyang anak.

Say ni Isabelle, walang magbabago sakaling ‘gay’ man ang kanyang anak at alam daw niyang tanggap pa rin ni God ano man ang gender preference nito.


Buwelta pa nito, kailangan talagang i-educate ang ibang tao tungkol sa ganitong usapin.

Sa ngayon, dedma na lang daw si Isabelle sa kanilang basher at focus na lamang ito sa kanyang pamilya at pinagbubuntis.

Facebook Comments